DEPED ORDER 66 | Bagong kautusan hinggil sa field trips at iba pang off-campus activities, inilabas ng DepEd

Manila, Philippines – Naglabas ang Department of Education ng bagong kautusan kaugnay ng pagsasagawa ng mga field trip at iba pang off-campus activities.

Ayon kay Usec. Tonisito Umali, sa inilabas na DepEd order 66 nakapaloob dito na dapat kasama na sa annual improvement plan ng eskwelahan ang lahat ng off-campus activities at aprubado ng division head.

Kasama rin dito ang paggamit na lang ng isang parent o guardian’s consent form para sa lahat ng out of school activities.


Para sa mga sasakyan naman na gagamitin, kailangan ay hindi lalampas sa 10 taon ang manufacturing date nito at kumpleto sa mga dokumento.

Malinaw ring nakasulat na hindi pwedeng bigyan ng special projects o examination ang hindi makakasama dahil walang katumbas na grade ang mga extra-curricular activities gaya ng field trip.

Hindi rin pwedeng pilitin ng paaralan ang mga magulang na magbayad para sa field trip kaya pwedeng gumamit ang paaralan ng pondo ng DepEd o humingi ng tulong sa mga sponsor.

Facebook Comments