Planong ipasilip ni Senator Alan Peter Cayetano ang Department of Education (DepEd) Order 34 na nagbabawal sa extracurricular activities sa mga paaralan.
Noong una ay inakala ng senador na isang biro lang ito at ikinagulat niya na talagang may department order pala para dito.
Hinamon ni Cayetano ang ahensya lalo na sa mga gumawa ng kautusan na tanggalin muna ang kanilang extracurricular activities bago ito i-apply sa mga estudyante.
Dahil shifting na aniya ngayon ang klase at limitado lang ang mga nasa silid-aralan ay ano na lang aniya ang ipagagawa ng mga magulang sa anak habang wala sa klase kung wala na ang debate club, chess club, karate club at iba pa na pwedeng pagkaabalahan ng mga mag-aaral.
Punto ng senador, mas produktibo ang mga estudyante kung may extracurricular activities maliban na lamang kung gusto lang ng DepEd ay mag-TikTok lang ang mga kabataan.
Sa huli ay hinimok ni Cayetano ang Senate Committee on Basic Education na pag-aralan ang DepEd Order.