DepEd, pag-aaralan ang hiling ng ilang eskwelahan na nais ding magsuspinde ng klase dahil sa Sea Games

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na pag-aaralan muna nila kung may sapat na dahilan para dagdagan ang mga paaralang magkakansela ng klase dahil sa Sea Games.

Ayon kay DepEd Usec. Tonisito Umali, aalamin nila kung apektado ang mga eskwelahang ito sa programa ng Sea Games.

Sinisuguro rin ng ahensya na hindi magkukulang ang mga araw ng pasok sa mga maaapektuhang paaralan.


Sa ngayon, may anim na eskwelahan sa Maynila, Pasig at Pasay ang pinayagan ng DepEd na magsuspinde ng klase mula December 2 hanggang 6.

Facebook Comments