DepEd: Pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021, itinakda sa August 24

Bubuksan na ang klase para sa school year 2020-2021 sa darating na August 24, 2020.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, ito ang napili nilang petsa matapos ang iba’t ibang konsultasyon at sang-ayon na rin sa Republic Act 7977 kung saan ang pagbubukas ng klase ay itinatakda sa unang Lunes ng Hunyo pero hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Ayon kay Secretary Briones ang nasabing opening of classes sa August 24 ay hindi nangangahulugang pisikal na papasok ang mga mag-aaral lalo na sa mga lugar na lubhang mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.


Magiging online aniya ang pag-aaral ng mga estudyante samantala, sa mga lalawigan namang hirap o walang internet connection ay maaaring idaan sa radyo ang kanilang pag aaral

Kasunod nito inanunsyo din ni Secretary Briones na nakatakda namang magtapos ang klase sa April 30, 2021.

Lahat naman ng malalaking events ng DepEd tulad ng Brigada Eskwela, Palarong Pambansa at iba pang major school events ay mananatiling kanselado hangga’t may banta parin ng COVID-19.

Facebook Comments