DepEd, paiigtingin ang pinalawak na access sa edukasyon sa Mindanao

Manila, Philippines – Higit pang pagtitibayin ng Department of Education ang kanilang affirmative action upang mapalawak pa ang pag-access sa kalidad na edukasyon sa kultura lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, sa ngayon sinisikap ng DepEd na magtayo ng mga bagong public schools sa iba’t-ibang lumad communities lalo na sa mga itinuturing na geographically isolated and disadvantaged areas sa pakikipagtulungan ng Kalahi-Cidss National Community-Driven Development Program ng Department of Social Welfare and Development .

Aniya ang kagawaran ay nagpasya na ng kahandaan na magtatag ng mga karagdagang paaralan sa sarili nitong pangangailangan.


Ang naturang hakbang ay ginagawa ng ahensiya bilang paggalang sa kultura at tradisyon ng indigenous people.

Tugon din ito ng ahensiya para matulungan ang mga mag aaral na Lumad para magkaroon ng access sa magandang kalidad na edukasyon.

Facebook Comments