DepEd, paiimbestigahan ang viral video ng guro na nagagalit sa mga estudyante

Tiniyak ng Education Department na iimbestigahan nito ang viral na live-streamed video kung saan isang babaeng guro ang nagbuhos ng galit sa kanyang mga estudyante.

Sa naturang video, sinigawan ng guro ang mga estudyante dahil sa aniya’y pagiging “mayabang” at “walang respeto.”

Ayon kay Education Deputy Spokesperson Asst. Secretary Francis Bringas, nangangalap na sila ng kumpletong incident report hinggil dito.


Layon aniya nito na matukoy ang mga susunod nilang hakbang alinsunod sa mga patakaran ng DepEd.

Facebook Comments