DepEd, pananagutin ang mga school officials na mangangampanya ng kandidato

Manila, Philippines – Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang mga ospiyal at mga guro sa mga pampublikong paaralan hinggil sa mga partisan political activity.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan Jr., mananagot ang mga opisyal ng mga paaralan na papayagan ang pangangampanya ng mga kandidato sa school grounds.

Aniya, malinaw na nakabatay sa DepEd Order Number 48 Series of 2018 kung saan pinaaalalahanan ang lahat ng undersecretary, assistant secretary, bureau of service director, regional director, school division, superintendent at lahat ng school head hinggil sa constitutional prohibition against election hearing and partisan political activities.


Giit ni Malaluan, maaaring masampahan ng kasong administratibo at paglabag sa Omnibus Election Code ang mga lalabag rito.

Facebook Comments