Matatagalan pa bago posibleng maibalik sa dating panahon ang bakasyon ng mga mag-aaral na buwan ng Abril hanggang Mayo.
Sinabi ni Department of Educaiton (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa sa press briefing sa Malakanyang, gugugol pa ng tatlo hanggang limang taon bago ito posibleng mangyari.
Sinabi ni Poa na batay sa batas, kailangang mayroong 200 ang school days sa bawat isang school year.
Malabo aniya itong mangyari ngayong school year o sa susunod na taon dahil kailangang i-adjust muna ang bilang ng mga araw na kailangang mabuo ang 200 araw ng pasok sa eskwelahan hanggang maibalik sa dating cycle na Abril hanggang Mayo ang bakasyon na aabutin aniya ng tatlo hanggang limang taon.
Kaugnay naman sa concern ng mga magulang at ibang sektor na mahirap pumasok ang mga bata sa Agosto dahil tag-ulan habang sobrang init naman ang Abril at Mayo.
Ayon kay ni Poa na mayroon namang blended learning at on line classes na umiiral ngayon.
Sa ngayon, sinabi ni Poa na mayroon nang task force na nag-aaral sa mga sitwasyon at sa tinatayang bilang ng mga araw na kailangang ibawas na pasok sa bawat taon hanggang sa maibalik ang dating panahon ng bakasyon.