DepEd, patuloy na naghahanda para sa face-to-face classes

Patuloy na pinaghahandaan ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng in-person classes sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Kasalukuyang ipinatutupad ang distance learning approach sa basic education level ngayong school year, kung saan ibinibigay ang lesson sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng learning modalities gaya ng modular, online, television at radio.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang magiging basehan ng pagbabalik ng face-to-face classes ay nakadepende sa COVID-19 situation sa bansa at sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Iginiit ni Briones na importante pa rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Hindi pa masabi ngayon ng kagawaran kung kailan maibabalik ang face-to-face classes dahil nananatiling banta ang COVID-19 sa mga bata at sa mga guro.

Facebook Comments