DepEd, pinabubuo ang mga guro ng komite laban sa mga bullying ng mga estudyante

Manila, Philippines – Iminungkahi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa mga opisyal ng mga paaralan na bumuo ng mga komite na magbibigay proteksyon sa mga estudyante laban sa “bullying” mula sa kanilang mga kamag-aral at maging sa mga mismong guro.

Sa ginanap na Media Forum sa Manila Hotel, ipinaliwanag ni Briones na ang paglikha ng nasabing komite ay bahagi ng mandato ng pamahalaan na protektahan ang mga kabataang mag-aaral laban sa bullying.

Base sa kautusang inilabas ng DepEd noong 2012, binigyan ng mandato ang mga Child Protections Committees para tiyaking susunod ang mga mag-aaral sa Code of Conduct alinsunod sa mga Localized Child Protection Policy ng mga eskwelahan.


Inatasan din ang nasabing komite na palawigin at ipatupad ang kanilang school based referral at monitoring system ng mga kaso ng lahat ng uri ng pang-aabuso at bullying at tukuyin, isangguni at ireport ang mga insidente ng child abuse, exploitation, karahasan, diskriminasyon at bullying sa kinaukulan.

Facebook Comments