DepEd, pinabulaanan ang alegasyong profiling ng ACT

Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang alegasyong profiling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ito ay nag-ugat matapos na atasan ng DepEd ang lahat ng regional at division office nito na pangalanan ang lahat ng guro sa pampublikong paaralan na kasapi ng ACT at nag-avail ng Automatic Payroll Deduction System (APDS).

Ayon sa kagawaran, ang claim ng naturang alyansa na profiling sa kanilang miyembro bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa insurhensiya ay walang katuturan, baluktot at walang katwiran.


Giit nito na ang tanging layunin ng pagkalap ng listahan ng mga miyembro nito ay para maging sentralisado, makapag-konekta, ma-update at mapag-ibayo pa ang Human Resource Systems (HRS) ng departamento kabilang na ang APDS.

Saad pa ng ahensiya na isinapubliko ang naturang request para maipakita ang magandang intensyon nito.

Ang naturang request din aniya ng kagawaran ay akma lamang dahil sa regular na reklamong natatanggap mula sa mga empleyadong guro dahil sa hindi tama, kwestyonable at hindi nararapat na kaltas sa kanilang sahod para sa loan remittances at membership dues.

Facebook Comments