DepEd, pinag-aaralan na ang pag-usad ng pagbubukas ng klase sa susunod na school year dahil sa COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na pinag-aaralan na nila ngayon ang posibleng pag-usad ng pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021.

Ayon kay DepEd Secreatary Leonor Briones, sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng survey at kinukunsulta na rin nila ang mga magulang at ang kumunidad ukol dito.

Kung sakali mausad ang school calendar para sa school year 2020-2021, marami ang masasagasaan na mga holidays gaya ng Holy week at mga fiesta.


Dagdag pa niya na magiging permanent na ito kung magkakaroon ng adjustment sa school calender para sa susunod na school year.

Pero iginiit niya na mas mahalaga pa rin sa kanila ang nilalaman ng school curriculum.

Sa ngayon, ang home school at DepEd Commons na isang online education platform ng kagawaran ang tinitingnan na pansamantalang pamamaraan ng pagtuturo sa mga bata kung sakaling palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine at kung lumala pa ang sitwasyon ng Coronavirus sa bansa.

Facebook Comments