DepEd, pinag-aaralan na hindi mapabilang sa subsidiya ang mga mayayamang estudyante

Naniniwala si Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na napapanahon na upang pagtuunan ng pansin ng mga state university administrators at ng pamahalaan ang pagpapatupad ng libreng matrikula sa kolehiyo sa mga mahihirap na matatalinong mga estudyante para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ayon kay Secretary Angara, maraming mga matatalinong mga estudyante ang hindi naipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakulangan ng problema sa pinansiyal.

Paliwanag ng Kalihim, dapat ang pagbibigay ng subsidiya ay nakalaan lamang sa mga deserving student at hindi dapat nakalaan para sa mga mayayamang estudyante na kaya namang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.


Giit pa ni Angara, hindi dapat i-subsidize ang mga mayayamang estudyante dahil kaya naman nilang tustusan ang kanilang pag-aaral pero maging ang University of the Philippines na libre ay marami na ring mga mayayamang estudyante ang nag-aaral na dapat sana ay nakalaan lamang para sa mga mahihirap.

Nabatid na noong 2023, iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na mahigit 2 million na SUC students ang nakatanggap ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa 200 institutions sa buong bansa.

Facebook Comments