DepEd, pinag-aaralang bawasan ang pag-iimprenta ng self-learning modules

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang paggawa ng printed modules sa mga susunod na buwan.

Batay sa resulta ng Learner Enrollment and Survey Forms (LESF) na isinagawa nitong Hulyo, lumabas na 8.8 million na magulang ang mas gusto ang modular bilang paraan ng pagtuturo sa kanilang mga anak.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahal ang pag-iimprenta ng Self-Learning Modules (SLMs) at hindi environment friendly.


Paliwanag ni Briones, ang printed modules ay nangangailangan ng malaking halaga ng budget at logistics.

Sa ilalim ng modular, gagamit ng printed at digital o offline learning materials.

Ito ang pinili ng mga magulang dahil sa kawalan ng access sa teknolohiya tulad ng gadgets at devices, internet connectivity at iba pang isyu.

Facebook Comments