Ikinokonsidera ng Department of Education (DepEd) na paikliin ang dalawang buwang summer break ng mga estudyante sa dalawang linggo at pahabain ang school year.
Paliwanag ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, pag-uusapan nila ang planong ito.
Pero sinabi rin ni San Antonio na maaaring palawigin ng kagawaran ang quarter ng hanggang dalawang linggo para mabigyan ang mga estudyante ng panahon para makumpleto ang school requirements sa gitna ng pandemya.
Isang field report ang natanggap ng DepEd nitong first quarter kung saan 99% ng mga estudyante ang nagawang makakumpleto ng schoo requirements.
Ngunit para kay San Antonio, ang natitirang isang porsyento ay itinuturing pa ring concern.
Facebook Comments