Nagpahayag ang Department of Education (DepEd) na pinagninilayan ng ahensya ang pagbabawal sa mga paaralan na magbigay ng mga proyektong nakadepende ang grado sa dami ng “likes” na makukuha sa social media.
“Our group from the curriculum and instruction, and also the learning delivery, is contemplating on the policy,” ani DepEd spokesperson Annalyn Sevilla sa isang panayam sa radyo.
Giit ni Sevilla, bagama’t hindi tuluyang mailalayo ang mga estudyante sa social media, hindi aniya matibay na basehan ng grado ang mga likes.
Nauna nang sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang mga ganitong proyekto ay maaring maging sanhi ng cyberbullying o iba pang cybersecurity issues.
Kamakailan din ay hinimok ng DICT ang mga guro na iwasan na ang paggamit ng social media para magbigay o mag-anunsyo ng mga assignment o project.