Ipinauubaya na ng palasyo sa Department of Education (DepEd) ang pagdi- desisyon kung itu-tuloy o ipagpapaliban ang mga graduation rites ngayong malapit na ang pagtatapos ng kasalukuyang school year.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bagamat maaari namang i-reset ang mga petsa para sa graduation, hihintayin pa rin ng palasyo ang magiging rekomendasyon ng DepEd.
Matatandaan na isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na i-postpone muna ang mga graduation rites at moving up ceremonies sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19. Ayon sa senador, tuwing mga ganitong kaganapan kasi ay umuuwi ng bansa ang mga magulang ng mga magaaral, at makabubuti aniya kung limitahan ang mga ganitong movement.
Facebook Comments