Pinaglalatag ni Albay Rep. Joey Salceda ang Department of Education (DepEd) ng plano para tugunan ang learning gaps o malaking agwat sa pagkatuto ng mga estudyante dulot ng COVID-19 pandemic.
Inirekomenda ng Chairman ng House Committee on Ways and Means ang pagkakaroon ng National Learning Recovery Plan na kahalintulad ng plano ng pamahalaan para sa employment recovery at economic growth.
Mula aniya magkapandemya ay isa ang Pilipinas sa mga iilang bansa sa mundo na hindi pa rin nagbubukas ang lahat ng mga paaralan kaya naman seryosong usapin nang maituturing ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Bagama’t hindi pa naman krisis na masasabi ang learning gap dulot ng pandemya, kung hindi naman ito pagtutulungan ng gobyerno ay kabilang ito sa magpapahina sa ekonomiya lalo na kapag nagtapos ang henerasyong ito sa kolehiyo.
Hihilingin ng kongresista sa DepEd ang pagkakaroon ng catch-up plan upang maagapan ang learning gap sa sektor ng edukasyon.