DepEd, pinangunahan ang kampaniya ng National Council for Children’s Television na child-friendlier TV program

Pinangunahan ng Department Of Education ang kampaniya ng National Council for Children’s Television (NCCT) na child-friendlier TV programs.

 

Nabatid na ang NCCT ay isa sa mga attached agencies ng DepEd at layunin nila na magkaroon sana ng mga TV programs na magpapa-unlad ng kaalaman, kasanayan, pagpapahalaga at pagka-pilipino ng mga kabataan.

 

Bahagi ito ng Child-Friendly Content Standards (CFCS) kung saan ayon sa DepEd, nakapaloob ang naturang kampaniya ng ncct sa Section 9 ng Republic Act No. 8370 o Children’s Television Act.


 

Sa ilalim ng nasabing batas, kailangan magkaroon ng kahit na 15 percent ng daily total airtime sa mga children’s program o kaya ng mga child-friendly program sa mga oras na nanonood ang mga bata.

 

Sinabi naman ni Education Undersecretary for Administration Alain Del Pascua na nag naturang kampaniya ay napapanahon ay may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

 

Sa ganito din paraan ay maiiwas ang mga kabataan sa mga negatibong kaalaman na kadalasan ay napapanood sa television.

 

Facebook Comments