DepEd, pinaplantsa na ang gagawing national peace curriculum

Pinaplantsa na ng Department of Education (DepEd) ang ilulunsad na national peace curriculum bilang tugon sa recruitment at insurgency na nagpapaantala sa kaunlaran ng bansa.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ito ang long-term solution sa matagal nang problema sa terorismo.

Dagdag pa ni VP Sara sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon ng sariling pasya at pag-iisip ang mga kabataan na tumanggi sa panghihikayat ng mga grupo na sumapi sa paghahasik ng gulo.


Ipinaliwanag ni VP Sara na matututuhan ng mga mag-aaral ang 21st century skills at transformation skills upang tuluyang mailayo sa karahasan.

Bagama’t aminadong ilang taon pa ang gugugulin upang makamit ito, naniniwala ang pangalawang pangulo na makikinabang sa investment sa edukasyon ang susunod na henerasyon.

Bukod dito, mapapanatili ang economic development sa tulong ng highly-skilled workforce.

Facebook Comments