Tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones na ang Kagawaran ay nanatiling nakatutok sa paghubog sa kabuuan ng personalidad ng mga estudyante hindi lamang aspeto ng Edukasyon kundi sa buong pagkatao nito.
Ayon kay Secretary Briones sa pagpasok ng Fourth Industrial Revolution, ang ahensiya ay parating nakatuon sa aspeto ng buong pagkatao ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mahabang selebrasyon sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, ang National Teachers’ Month, National Teachers’ Day at World Teachers’ Day.
Paliwanag ng kalihim sa Temang “Gurong Pilipino: Handa sa Makabagong Pagbabago,” ngayong taong selebrasyon ng National Teachers Month mula September 5 hanggang October 5, at ng National Teachers Day at World Teachers Day sa October 5, na sisimulan sa September 9 sa Initao National Comprehensive High School sa Misamis Oriental.
Ang National Teachers Month ay pagpapahayag ng paghihirap sa trabaho ng mga teachers upang tulungang hubugin ang kinabukasan ng mga mag-aaral.
Dagdag pa ni Briones lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ang mga schools district offices, schools division offices, at regional offices ay kinakailangang sumunod sa synchronized programs, projects, at activities kung saan hinihikayat ang mga paaralan na magsagawa ng special activities, gaya ng on-the-spot poster making, essay writing, thank you card design, at cultural performances, upang ipahayag ng mga estudyante ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga guro na humubog sa kanilang pagkatao.