DepEd, pinasalamatan ang mga guro at iba nilang empleyado na nagsilbi sa 2019 midterm election

Pinasalamatan ni Education Secretary Leonor Briones ang mga gruo na nagsilbi sa katatapos lamang na 2019 midterm elections.

 

Ayon kay Briones, hindi matatawaran ang naging dedikasyon ng mga guro na tumayong electoral board kung saan sila ang umalalay para maipakita ang demokrasya sa bansa kahit pa may mga pangangailangan at mga hamon silang hinaharap.

 

Itinuturing naman ni DepEd Undersecretary for Administration at Chairman ng Election Task Force Alain Del Pascua na naging maayos at payapa ang nagdaang eleksyon bagamat may mga hindi inaasahang mga problema.


 

Pinasalamatan din ni Pascua ang mga tumayong miyembro ng election task force sa buong bansa dahil sa kanilang naging commitment at sakripisyo para masigurong ang kaligtasan ng mga guro at ibang empleyado noong botohan.

 

Sa ngayon, pagtutuunan nila ng pansin ang programa nilang “brigada eskwela 2019” kung saan makakasama nila dito ang ilang ahensiya ng pamahalaan at mga non-government organization.

Facebook Comments