DepEd, pinatitibay ang crisis-resilient strategy sa pamamagitan ng CVIF-Dynamic Learning Program

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nakikipagtulungan na ito sa Central Visayan Institute Foundation (CVIF) at Smart Communications, Inc. upang mapalakas ang pagpapatupad nito ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP).

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, layunin din nitong mapabuti ang educational landscape ng bansa sa pamamagitan ng CVIF-Dynamic Learning Program (CVIF-DLP).

Ito ay ang Smart-backed teaching methodology na nagpopromote ng independent student learning upang ma-improve ang academic performance ng isang mag-aaral sa mga subject tulad ng Science, Innovative Technology, Engineering, at Mathematics.


Kamakailan, inindorso ng DepEd ang CVIF-DLP bilang independent learning strategy at Flexible Learning Option (FLO) ngayong panahon ng education’s new normal ng bansa na dala ng COVID-19 pandemic.

Ikinatuwa naman ni Briones na marami ang sumusuporta sa kagawaran sa muling pagbubukas ng klase sa October 5, 2020, kung saan kabilang na rito ang 108 partners, civil societies, church organizations, individuals, at magulang.

Facebook Comments