Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na dumaan sa masusing pag-aaral at konsultasyon kung saan pumasa ang mga bagong paaralan na lalahok sa pilot run sa iba’t ibang safety assessment ng kagawaran at Department of Health (DOH) ang face-to-face classes.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones umabot na sa karagdagang 177 public schools na makikilahok sa pilot implementation ng face-to-face classes kung saan ay nadagdag sa mga rehiyon na makakabilang dito ang National Capital Region na mayroong 28 mga paaralan na nakatakdang magsimula sa Lunes, Disyembre 6, 2021.
Paliwanag pa ng kalihim, ang mga nadagdag pang rehiyon ay magsisimula naman ng kanilang face-to-face classes sa iba’t ibang petsa sa loob ng kasalukuyang taon.
Tiwala naman si Briones na magiging posible na ang pagpapalawak ng face-to-face classes sa susunod na taon dahil sa ipinapakitang tagumpay at magandang takbo ng nasabing pilot run sa kasalukuyang mga paaralan na kabilang dito.