Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga estudyante na gawing makabuluhan ang kanilang semestral break mula March 15 hanggang 19.
Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga estudyante sa ilalim ng K-to-12 Program ay dapat sulitin ang kanilang bakasyon kasama ang kanilang pamilya.
Maaari ding gawing productive ng mga estudyante ang kanilang sembreak sa pamamagitan ng pagpupursige sa kanilang passion o maghanap ng ibang pagkaka-abalahan o hobbies.
Panahon din ito aniya para mag-‘reconnect’ sa mga kaibigan.
Binigyang diin ni San Antonio na makakatulong itong panahong ito para ihanda nila ang kanilang mga sarili sa kinabukasan.
Batay sa inamiyendahang calendar of activities para sa School Year (SY) 2020-2021, ang 3rd Quarter Period ay magsisimula sa March 22 hanggang May 15, 2021 habang ang 4th Quarter ay sa May 17 hanggang Julay 10, 2021.