DepEd, pinayuhan ang mga kritiko na “pakinggan ang mga bata” sa gitna ng mga panawagang kanselahin ang school year

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga nanawagang kanselahin ang nalalapit na school year o ‘academic freeze’ na “pakinggan ang mga bata” na gustong pumasok sa klase.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maraming magulang at mga estudyante ang mas nais na ituloy ang klase matapos ang ilang buwang suspensyon bunga ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Briones na nasa higit 24 na milyong estudyante ang kasalukuyang naka-enroll sa public at private schools.


Patunay aniya ito na suportado ng mayorya ang learning continuity at pagtitiwala sa educational system ng bansa.

Facebook Comments