DepEd, pinipili na ang mga eskwelahang maaaring magasagawa ng face-to-face classes

Pinaplansta na ng Department of Education (DepEd) ang mga kondisyon sa mapipiling eskwelahan para sa dry-run ng face-to-face class.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ilalabas lamang ang listahan ng mga paaralan kung ito ay pumasa na sa mga kondisyon at may pahintulot na ng Office of the President at ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Aniya, ang mga low risk area kung saan isasagawa ang pilot face-to-face classes ay dapat nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Maliban dito, hinihintay rin nila ang rekomendasyon mula sa mga regional director.

Kasama ring titingnan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa transportasyon.

Giit naman ng kalihim na ito ay magkasamang responsibilidad ng mga awtoridad kung sakaling mahawahan ng COVID-19 ang isang estudyante.

Facebook Comments