DepEd, pinuri ang LGU ng Maynila sa pamimigay nito ng laptop at gadgets para sa distance learning

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Department of Education o DepEd sa lokal na pamahalaan ng Maynila matapos itong mamahagi ng laptop at gadgets sa mga guro at estudyante sa pampublikong paaralan ng lungsod.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones ang inisyatibong ito ng Maynila ay nagpapakita na nagkakaisa ang lokal na pamahalaan at ang national government sa adhikaing maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata sa kabila ng banta ng COVID-19.

Kasabay nito, binigyang -diin ng kalihim na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa October 5 ngayong taon para sa school year 2020-2021, matapos itong ipagpaliban noong August 24 dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.


Facebook Comments