DepEd planong bawasan ang homeworks ng mga estudyante

Binabalangkas na ng Department of Education (DepEd) kung papaanong babawasan ang homeworks ng mga estudyante.

Ang hakbang ay ginawa ng DepEd matapos isinusulong sa Kongreso ang panukalang ‘No Homeworks Bill.’

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gumagawa sila ng guidelines para mabawasan ang homeworks ng mga estudyante.


Paliwanag ng kalihim wala aniyang katiyakan din kung talagang ang mga gumagawa ng homeworks ay mga estudyante dahil karamihan ay kanilang mga magulang.

Hindi rin matukoy ng DepEd kung kailan nila ilalabas ang guidelines tungkol sa homeworks ng mga estudyante.

Facebook Comments