DepEd, planong itaas ang kompensasyon at iba pang benepisyo para sa election workers

Nag-request na ang Department of Education (DepEd) na itaas ang honoraria para sa teaching at non-teaching personnel na magsisilbi sa 2022 elections.

Ang DepEd ay nakipag-ugnayan na sa Commission on Elections (Comelec) para magbigay ng karagdagang benepisyo at kompensasyon sa elections workers.

Sa sulat ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones kay COMELEC Chairperson Sheriff Abas, kailangang maitaas ang kompensasyon ng mga guro lalo na at nananatiling bansa ng COVID-19.


Tiniyak din ni Briones na ang hihinging halaga ay makatwiran at patas.

Batay sa proposal ng DepEd, ang inirerekomendang kompensasyon para sa Chairperson of Electoral Boards ay nasa ₱9,000 habang ang ibang miyembro ng board ay nasa ₱8,000.

Ang DepEd Supervisor Official (DESO) at Support Staff ay dapat mabigyan ng ₱7,000 at ₱5,000 – ikinokonsidera ang umiiral na Consumer Price Index at Inflation rate nitong Enero.

Maliban sa benepisyong ibinibigay ng Election Service Reform Act (ESRA), humiling ang DepEd ng ₱500 kada araw para sa COVID-19 Hazard Pay para sa awtorisadong election workers.

Inire-request din ng kagawaran ang pagbibigay ng onsite swab testing at iba pang health services, ₱1,000 allowance para sa pagkain at tubig, at ₱2,000 para sa transportation expenses.

Ang mga guro ay dapat mayroon lamang 8-hour work shift, kabilang ang preparation at post-election activities habang humingi rin ang ahensya ng pondo para sa maintenance at pagsasa-ayos ng mga paaralang gagamitin bilang voting centers.

Facebook Comments