DepEd, planong magbigay ng ‘safety seal’ sa mga paaralang lalahok sa pagpapalawig ng face-to-face classes

Plano ng Department of Education (DepEd) na magbigay ng “safety seal” sa mga paaralang makakapasa sa assessment at evaluation nila at ng Department of Health (DOH).

Ito ay para matiyak ang kahandaan ang mga paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa November 15.

Ayon kay DepEd Planning Service Director Roger Masapol, nakipag-usap na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa mekanismo ng pagkakaloob ng safety seal.


Kapag naaprubahan, unang makakatanggap nito ang 100 public schools sa bansa na lalahok sa dalawang buwang pilot implementation ng limited face-to-face classes.

Plano rin ng ahensya na itulak ang proposed expansion nito sa March 7, 2022.

Ibinibigay ng DTI ang safety seals sa mga negosyo para bigyan ng katiyakan ang mga customer na sumusunod ang mga establisyimento sa minimum health standards sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Facebook Comments