DepEd, planong magkaroon ng TV history channel

Sinisilip na ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng TV history channel kung saan ipapalabas ang mga pelikula at dokumentaryong tampok ang kasaysayan ng Pilipinas at ng mundo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalagang learning resources ang mga pelikula at dokumentaryo at mas magiging accessible ito para sa mga guro at estudyante.

Ang DepEd TV History Channel ay pangungunahan ng Office of the Undersecretary for Administration (OUA) sa tulong ng Office of the Undersecretary for Curriculum and Instruction (OUCI) para sa review at development ng kakailanganing materials.


Ang initial line-up ay binubuo ng mga “existing” historical video materials na dati nang napanood o ipinalabas sa publiko.

Ang DepEd ay bubuo rin ng iba pang content sa tulong ng iba pang filmmakers.

Ang historical films at documentaries ay magiging available online sa pamamagitan ng DepEd Commons, DepEd TV YouTube, at sa DepEd EdFlix, isang platform para sa educational videos at lessons on demand.

Ang DepEd TV History Channel ay susunod sa panuntunan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Facebook Comments