Humihingi ng paglilinaw ngayon si Department of Education o DepEd Secretary Leonor Briones sa lumabas na balitang nagsasabing mahigit sa 70,000 mga estudyanteng Bicolano ang hindi marunong bumasa at hindi marunong magsulat.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Secretary Briones na sa kanyang palagay, kailangan ng paglilinaw dito kung anong ibig sabihin nang hindi marunong bumasa at sumulat dahil hindi aniya tama na sabihin sa pangkalahatan na “no read, no write” ang mga estudyante sa elementarya sa Bicol Region.
Paliwanag ng kalihim, taon-taon naman ay may ginagawang assessment sa mga estudyante sa buong bansa.
Sinabi ng Kalihim na exaggerated ang nasabing balita.
Ayon sa Kalihim, pinaghalo kasi dito ang mga klase ng estudyante na nahihirapan sa wikang Filipino at ang mga nahihirapan sa wikang Ingles.
Sinabi ng Kalihim na isa din itong insulto sa mga Bicolano.