Target ng Department of Education (DepEd) na maitaas ang proficiency level o pagiging magaling ng mga kabataan na 15 taong gulang sa science, mathematics at english ngayong taon.
Ito ay bago pa man ang naka-schedule na asessment ng programme for international student assessment o Program for International Student Assessment (PISA) sa 2025.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Education (DepEd) Usec. Gina Gonong na gusto nilang maitaas man lang ang minimum level ng proficiency na itinatakda ng PISA.
Paliwanag ni Gonong, ang PISA ang pinagbabatayan para masabing handa na sa reyalidad ng buhay ang mga kabataang estudyante.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Gonong na nasa level 1-A at level 1-B ang proficiency ng mga mag-aaral o low score.
Aniya, nais sana nilang kahit kaunti man lamang ay maitaas ito ngayong taon sa level 2 sa usapin ng score.
Inamin naman ni Gonong na bago pa man ma-develop ang galing ng mga mag-aaral ay tuloy-tuloy lamang aniya ang gagawin nilang mga hakbang upang mapataas ang antas ng pagiging mahusay ng mga ito sa tatlong subjects.