DepEd Region 4A, bubuo ng Fact Finding Committee na tututok sa 14-anyos na estudyanteng nasawi matapos sampalin ng isang guro sa Antipolo City

Bubuo na ngayon ng 5 man Fact Finding Committee ang Department of Education (DepEd) Region 4-A na tututok sa 14-anyos na estudyante nasawi matapos na sampalin ng isang guro ng Penafrancia Elementary School sa Antipolo City.

Ayon Kay DepEd Region 4-A Atty. Melvin Faculan Matin, bubuuhin ang 3-5 Man Team investigation upang magsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pananampal at nakapatay ng Grade 5 students.

Una rito kasong homicide at paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang inihahanda na ngayon ng Antipolo City Police Station laban sa guro ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City na nanampal at nagresulta sa pagkamatay ng grade 5 pupil.


No comment din si Matib sa status ng teacher na si Ginang Marisol Sison sa nangyaring pananampal nito sa katorse anyos na si Francis Jay Gumikib noong September 20 sa loob ng eskwelahan.

Wala ring masabi si Matib kung suspindido at hindi muna makapagturo si Sison habang iniimbestigahan ang naturang kontrobersyal na pangyayari.

Ipinaubaya na nito ang desisyon sa DepEd Central Office kung suspindihin at kasuhan ng administratibo ang nasabing guro.

Facebook Comments