Bicol Region – On-set na ang Department of Education sa unang araw ng pagbubukas ng klase ngayong taon.
Kaugnay nito, ayon kay DepEd Dir. Ramon Abcede – maagang magbubukas ngayong araw ang mahigit 3,000 school campuses para tanggapin ang libu-libong estudyante mula sa kindergarten hanggang senior highschool.
Kasabay nito ay tiniyak din ni Abcede na wala ng kakulangan sa hanay ng mga guro dahil napunan na ang mga ito noong Marso.
Aniya, kung mayroon mang problema ay kayang-kaya na itong solusyunan ng mga guro at principals.
Magsasagawa rin ng monitoring ang kanyang tanggapan kung saan kailangang mag-report ang mga guro at principals sa kanya.
DZXL558
Facebook Comments