DepEd sa Bicol region, kinumpirma na wala nang problema sa kanilang mga paaralan sa lalawigan

Bicol Region, Philippines – Kinumpirma ngayon sa pamunuuan ng Department of Education sa Bicol region ni Regional Director Ramon Abcede na wala nang problema sa kanilang mga paaralan sa lalawigan.

Ito’y aniya bago magtapos ang taon na ito ay makukumpleto na nila ang mga kagamitan sa bawat paaralan sa kanilang lugar.

Dagdag pa nito, nagamit nila nang maayos ang mga pondo para ayusin ang mga silid aralan na nasalanta ng mga nakaraang bagyo.


Sa ngayon ay handang-handa na sila sa pagbubukas ng klase sa taong ito.

DZXL558,Leo Barcellano

Facebook Comments