
Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na balita na posibleng masibak sa puwesto sina Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang balasahan na nagaganap sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa katunayan, dumalo at personal pang nagpresenta ng kanilang mga proyekto sina Angara at Aguda sa LEDAC meeting kahapon.
Dagdag ni Castro, kuntento ang Pangulo sa performance ng kaniyang mga kalihim, lalo na’t sunod-sunod ang mga kinakaharap na kalamidad at iba pang suliranin ng bansa.
Tiniyak niya na hangga’t nasa puwesto ang mga opisyal, mananatiling buo ang tiwala at suporta ng Pangulo sa kanila.









