Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na nag negatibo na sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 si DepEd Secretary Leonor Briones.
Ito’y matapos lumabas ang resulta ng Research Institute of Tropical Medicine o RITM noong April 8 na positibo ito sa nasabing virus.
Ayon kay Sec. Briones na nananatiling siyan asymptomatic mula sa simula ng kanyang quarantine.
Kahit na nag negatibo na ito sa nasabing virus, ipagpapatuloy pa rin nito ang kanyang quarantine hanggang sa matapos ang ika-14th day.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagpa-test ang kalihim kaugnay sa COVID-19, matapos itong magkaroon ng direct contact sa ilang cabinet members na nagpositibo rin sa nasabing virus noong March 31.
Unang nag COVID-19 test si Sec. Briones noong March 13 ngayong taon at sumailalim din ng 14-day self-quarantine, matapos itong ma-expose naman sa kanilang guest na COVID-19 positive na dumalo sa dalawang pagpupulong ng kanilang kagawaran.