Sumasailalim na ngayon sa home quarantine si Education Secretary Leonor Briones.
Ito’y bilang pag-iingat na rin sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga participant nila sa pagpupulong noong February 28 at March 5.
Napag-alaman na ang unang meeting ay naganap noong February 28 at ginawa sa DepEd Central Office Mabini Building, habang ang March 5 meeting naman ay ginawa sa Senado.
Walang dapat ipangamba dahil nasa mabuting kalagayan pa naman si Secretary Briones at wala pang opisyal at tauhan nito ang nakitaan ng respiratory illness o diarrhea.
Hinikayat ng DepEd ang kanilang mga empleyado na sakali namang makaramdam ng sintomas ng sakit, na mag-report sa DepEd Task Force COVID-19.
Facebook Comments