Umapela si Education Secretary Leonor Briones sa kanilang mga guro na gawin lang ng tama ang kanilang trabaho habang gumagawa sila ng paraan para madagdagan ang kanilang sweldo.
Ayon kay Briones, huwag daw sana mawala sa focus ang mga guro dahil magiging kawawa ang mga estudyante na umaasa din sa kanila.
Nanawagan din ang kalihim na huwag naman palabasing binabalewala nila ang hinaing ng mga guro at aniya, hindi din sila api sa usapin sweldo.
Iginiit kasi ni Briones na may iba pang benepisyo ang mga guro tulad ng cash allowance, yearly clothing alloeance, hazard pay at 2 months na sweldo kahit pa naka-bakasyon.
Sa huli, naniniwala pa din si briones na sa kabila ng isyu ay tutuparin pa din ng kanilang mga guro ang sinumpaan nilang tungkulin.
Facebook Comments