DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte, inikot ang DepEd Central Office sa Pasig City

Nais ni Department of Health (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte na makilala ang mga mahuhusay at masisipag na mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon kaya’t personal siyang nag-ikot kahapon sa iba’t ibang tanggapan ng kagawaran.

Sa pag-iikot ng kalihim, kaniya-kaniyang selfe ang ginawa ng mga empleyado kay Duterte kung saan nagpaabot naman ng pasasalamat ang pangalawang pangulo sa ipinakitang katapatan at taos-pusong pagseserbisyo para matiyak at mapanatili ang kalidad ng edukasyon na inaasam ng kagawaran para sa mga kabataang Filipino.

Pero una nang ikinadismaya ni Committee on Education Chairman Senator Win Gatchalian sa sistema ng K-12 o dalawang taong dagdag sa High School Curriculum sa bansa.


Napansin kasi ng senador na kinakailangan ng masinsinang pagsilip ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga polisya na kinakailangan ng agarang reporma.

Dahil dito inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution No. 5 na nagpapaimbestiga sa lagay ng Enhanced Basic Education Act of 2013 o the K to 12 Law.

Samantala, tinawag ng DepEd ang K12 na “congested” at sa pamamagitan umano ng Basic Education Development Plan 2030 ay marerelsoba ang problema at magbibigay ng kalidad na edukasyon sa bawat kabataan.

Facebook Comments