DepEd Secretary Briones, pinangunahan ang ceremonial turnover ng dalawang school building sa Negros Oriental

Pinangunahan ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) ang turnover ceremony ng dalawang school building sa West City Elementary School sa Dumaguete City lalawigan ng Negro Oriental.

Sa ginawang virtual ceremony, sinabi ng kalihim na nagkakahalaga ng P24.5 million ang dalawang gusali na may tatlong palapag at 18 classrooms.

Aniya, kahit wala pang face-to-face learning, malaki ang maitutulong nito dahil mas maraming mga mag-aaral ang matatanggap ng nasabing paaralan.


Kasabay nito, namahagi rin ng learning gadgets ang DepEd sa iba’t ibang paaralan ng nasabing lalawigan.

Dumalo sa turnover ceremony ng dalawang school buildings sina Dumaguete City Schools Division Superintendent Dr. Gregorio Cyrus Elejorde, Assistant Schools Division Superintendent Dr. Ester Futalan, West City Elementary School Head Noel Bayno at Teachers League President Jennifer Lyn Relasa.

Facebook Comments