DepEd Secretary Leonor Briones at mga regional directors, magpupulong ngayong hapon para pag-usapan ang panawagang ipagpaliban ang pasukan sa August 24

Nakatakdang magpulong mamayang hapon ang mga regional director ng Department of Education (DepEd) para pag-usapan ang panukalang pagpapaliban sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instructions Diosdado San Antonio, bukod sa kahandaan ng mga eskwelahan sa blended learning, kokonsultahin din ni Secretary Leonor Briones ang mga regional director hinggil sa panawagang iurong ang pasukan.

Kahapon, sinabi ng kalihim na tuloy na tuloy ang pasukan sa August 24, 2020.


Pero ayon kay San Antonio, ang huling desisyon ay naka-depende pa rin sa kung anong mapagkakasunduan nina Briones at Pangulong Rodirgo Duterte.

Noong Hulyo, nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11480 na nagbibigay ng kapangyarihan sa kaniya na magtakda ng bagong petsa ng pasukan sa harap ng state of emergency bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments