DepEd secretary, suportado ang no homework policy

Pabor si Department of Education (DepEd) secretary Leonor Briones sa pagbabawal ng takdang-aralin sa mga estudyante ng kindergarten hanggang high school.

Magkahiwalay na inihain sa Kamara nina Deputy Speaker Evelina Escudero at Quezon City Representative Alfred Vargas ang mga panukalang parehong nagsusulong ng no-homework policy.

Layon ni Escudero na tanggalin ang homework at limitahan sa eskwelahan ang mga aktibidad, habang iminungkahi naman ni Vargas sa panukala ang pagbabawal ng assignment tuwing weekends.


BASAHIN: ‘No-homework’ policy sa mga estudyante, isinusulong

“I am in favor of this,” ani Briones nang hingan ng opinyon sa nabanggit na panukala, Martes, sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Briones, gusto ng DepEd na gawin ang pormal na pag-aaral sa loob ng paaralan upang magkaroon ng oras ang mga estudyante sa kani-kanilang pamilya sa bahay.

“Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignments, projects, whatever, gawin sa loob ng eskwelahan. Pag-uwi nila, libre na sila, freetime na nila to be with their parents, with their friends,” aniya.

Sa katunayan aniya, ipinatupad na ng DepEd ang parehong patakaran, ngunit may mga paaralan na agbibigay pa rin ng ssignment sa mga estudyante.

“Pagdating ko, ginawa na namin itong policy. Ang predecessor ko, may policy din. Pero mayroon pa rin mga schools na nasanay talaga sa pagbibigay ng homework, ” ani Briones.

Nabanggit din ni Briones na minsan daw ay hindi naman ang mga bata ang gumagawa ng kanilang takdang-aralin, dahilan para imungkahi ang pagbabawal nito.

Facebook Comments