
Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na kakayanin ng Department of Education (DepEd) na gugulin ang pondo para sa flood control projects sakaling dito mailipat ang P270 billion na pondo.
Sa pagdinig ng DepEd budget sa Senado, kakayanin ng ahensya na gastusin ang naturang pondo lalo na kung masusunod ang panukala sa Senado na payagan silang ipagawa ang mga silid-aralan sa mga lokal na pamahalaan sa halip na pagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dahil naman sa ulat na ire-realign ang pondo ng flood control projects sa DepEd, sinabi ni Angara na na-excite ang mga tauhan ng ahensya at gumawa ng bagong wish list ng mga big ticket projects na mangangailangan ng P134.5 billion.
Nasa P928.52 billion ang panukalang pondo ng DepEd sa 2026 at kabilang dito ang P13.2 billion na konstruksyon ng halos 4,900 na mga bagong silid-aralan.
Kabilang sa mga nakalista na infrastructure ng ahensya ang mga classrooms habang ang iba pang popondohan ay ang computerization at school-based feeding programs.









