Bukas ang Department of Education (DepEd) sa isinusulong na gamitin ang mga eskwelahan bilang COVID-19 vaccination sites.
Pero ayon kay Education Sec. Leonor Briones, hindi lahat ng silid aralan ay malawak at makasusunod sa requirements ng Department of Health (DOH) para sa vaccination canter.
Giit pa ng kalihim dapat ay may koordinasyon din ito sa mga Local Government Unit (LGU) lalo na’t ilan sa mga paaralan ay nasa residential areas habang ang ilang paaralan ay ginagamit bilang quarantine facility.
Kasabay nito, tutol naman ang DepEd na i-deploy ang mga guro para tumulong sa vaccination program.
Paliwanag ni Briones, masyado itong kritikal para sa mga guro at ang nararapat lamang na magsagawa nito ay mga health care professional.
Sa halip, tutulong na lamang aniya ang mga guro sa information drive ng pamahalaan kaugnay ng national vaccination program.