
Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) na magpalabas ng year-end incentives para sa mahigit isang milyong guro at kawani ng ahensya sa buong bansa.
Kabilang sa ipapamahaging insentibo ay ang Sevice Recognition Incentive (SRI), Productivity Enhancement Incentive (PEI), Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive para sa mga kwalipikadong non-teaching personnel, at gratuity pay para sa mga contract-based workers.
Makakatanggap ang mga guro at non-teaching staff ng tig-20,000 para sa SRI at 5,000 sa PEI.
Habang ang mga non-teaching personnel ay may karagdagang 10,000 na CNA incentives.
Ang mga Contract of Service at Job Order workers ay makakakuha ng tig-4,000 hanggang 7,000 pesos na gratuity pay.
Ayon sa Education Department, ilalabas ang STO sa ikalawang tranche na magsisimula sa unang release ngayong buwan.










