DepEd Spokesperson Usec. Michael Poa at ilan pang opisyal, nagbitiw na sa pwesto ayon kay incoming DepEd Sec. Sonny Angara

Kinumpirma ni incoming Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara na may mga matataas na opisyal na ng DepEd ang nagbitiw sa pwesto.

Ito ay kasunod ng napipintong pagpapalit ng liderato ng DepEd mula kay outgoing DepEd Secretary Sara Duterte kay incoming DepEd Sec. Sonny Angara.

Sa ambush interview sa ground breaking ceremony ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) annex building at paglulunsad ng Enhanced Command Center, sinabi ni Senator Angara na kasama sa mga nag-resign si Atty. Michael Poa.


Mismong nakausap niya umano si Poa sa resignation at maliban dito, mayroon ding siyang impormasyon na may isa pang undersecretary at dalawang assistant secretary ang nagbitiw umano sa pwesto at isang opisyal pero ito ay hindi pa kumpirmado.

Hindi naman masabi pa ni Angara kung ilan sa kabuuan mga tauhan ng DepEd ang nag-resign pa sa pwesto.

Kaugnay nito, handa na umano siya sa turnover na gagawin sa Huwebes kung saan inaasahan din na magkakapulong sila ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments