Nagpaliwanag ang Department of Education (DepEd) sa findings ng Commission on Audit (COA) sa P8.1-bilyong pondo para sa basic education learning continuity plan.
Ito ay matapos makitaan ng COA ng deficiency o pagkukulang sa paggasta ang naturang pondo.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, karamihan sa mga pinuna ng COA ay ang kakulangan sa dokumento at delay sa pagsumite ng suporting documents.
Taliwas ito sa ilang sentimiyento ng mga guro sa bansa kung saan hindi pa nila nakukuha ang reimbursement sa inabono nila para sa pag-imprenta ng learning modules.
Paliwanag ng kagawaran, mayroon silang mekanismo para sa pagrereimburse ng mga inabono ng mga guro.
Pero natapos na ang school year 2020-2021 ay marami pa ring guro ang walang natatanggap na pera mula sa DepEd.